39

By

Gambling lords congress, inirekomenda ng isang solon

Sharing is caring!

Iminungkahi ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na magpatawag ng gambling lords congress para maayos ang implementasyon ng small town lottery o STL.

Ginawa ito ni Batocabe sa pagdinig ng House committee on good government and public accountability kaugnay ng PCSO controversy matapos aminin ni PCSO General Manager Alexander Balutan na nagagamit pa ring front ng iligal na sugal ang STL.

Paliwanag ni Batocabe, wala namang nakakaalam ng operasyon ng STL at ang pagpapalusot dito para maitago ang iligal na sugal kundi ang mga gambling lord.

Ibig sabihin, ang mga ito anya ang dapat na konsultahin para mailatag ng maayos ang implementing rules and regulations ng batas para sa STL operations.

Ayon kay Batocabe, sa halip na nagkukumpetensiya ang mga gambling lords at nag-iisahan sa operasyon ay mas mabuting pagkaisahin ang mga ito sa isang pulong para mapakinabangan ng gobyerno ang kanilang expertise.

Kaugnay nito’y sinabi ni Balutan na meron na rin silang napatigil na ilang Authorized Agent Corporations dahil sa paglabag sa implementing rules and regulations ng STL.

“Nakikita natin na marami pang susunod dito. Kung sino ang naunang pumasok at naglaro posible na mapunan ang kanyang short fall. Their bond will be confiscated at sisingilin namin ang kanilang pangkukulang,” ani Balutan. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?