79

Oct 10, 2017 @ 14:14

Gambala nagbitiw na sa Customs

Nagbitiw na sa pwesto si Bureau of Customs (BOC) Deputy Commissioner Gerardo Gambala.

Kinumpirma ni BOC Commissioner Isidro Lapena na nagsumite na si Gambala ng kanyang irrevocable resignation noon pang nakalipas na buwan.

“Si Deputy Commissioner Gambala has tendered his resignation. I received it during my time na, I think that’s during a month ago,” ang pahayag ni Lapena.

Sa kanyang liham ng pagbibitiw, nais umano ni Gambala na magkaroon ng mas maraming panahon sa kanyang pamilya.

Gayunman, hindi tiyak ni Lapena kung nakarating na sa Malacanang ang kanyang resignation letter, “I don’t know if it reached Malacañang.”

Idinagdag ni Lapena na nagrekumenda na siya ng mga pangalan para sa dalawang itatalagang bagong Deputy Commissioner ng BOC.

Ang kanyang mga inirekumenda na nakasama niya sa Philippine Drug Enforcement Agency ay sina Director Ricardo Quinto at Director Gladys Rosales.

“I recommended si General Quinto who was then my Deputy Director in PDEA and of course si Director Rosales who was then Director for Plans and Preparation in PDEA,” paliwanag ni Lapena. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?