37

Dec 3, 2021 @ 10:24
By

Galvez: Target na 54M mabakunahan malapit na maabot

Ikinagalak ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na malapit na maabot ang target na 54 milyon indibidwal na fully vaccinated bago matapos ang taon.

Ayon kay Galvez, mahigit 55.4 milyon na ang nakatanggap ng kanilang unang jab ng bakuna kontra COVID-19.

“More than 55.4 million na ngayon ang may at least one dose. Ibig sabihin nito, talagang maaabot natin ang target na 54 million fully vaccinated individuals bago matapos ang taon, lalo’t patuloy pa rin ang malawakan nating pagbabakuna,” pahayag nito noong Huwebes.

Umabot na sa 71.84 porsiyento o kabuuang 55,415,753 indibidwal ng target na populasyon ng Pilipinas ang nabakunahan na isang dose ng COVID-19 vaccine simula noong Disyembre 1, batay sa ulat ng the National Task Force (NTF) against COVID-19.

Dagdag pa ng NTF, 36.8 milyon na indibidwal na ang fully vaccinated. (Sherrylou Nemis)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?