29

Jan 15, 2021 @ 15:19
By

Galvez target mabakunahan 150k na mga Pilipino sa 1 araw

Target ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na mabakunahan ang 150,000 mga Pilipino kada araw oras na dumating na ang mga suplay ng Covid-19 vaccine sa bansa.

“Nakikita po natin na ang capacity natin if we are going to vaccinate more or less 50 million, ang kailangan natin ma-vaccinate every day is 150,000,” ani Galvez sa isang hearing.

Minamata rin niya ang 24/7 na pagbabakuna.

“We are looking at the possibility that if the vaccines are available, we will have 24/7, three shifts. So ganoon po gagawin natin,” wika ni Galvez.

Sambit pa niya, inaabangan na nila ang 50,00 doses ng bakuna kontra Covid-19 na darating sa Pebrero.

“We are looking at the 50,000 that will be coming this February. It will be our rehearsal,” saad niya.

Nito lamang Lunes, Enero 11, nang inansyo ng Department of Health na may 4,000 ng mga vaccination point ang Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?