5

Jan 18, 2021 @ 15:19
By

Galvez: Sinovac bakuna hindi binagsak presyo dahil sa Senate hearing

Pinabulaanan ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na may kinalaman ang ginawang pagdinig sa Senado sa vaccination program kaya ibinaba ng gobyerno ang presyo ng Sinovac vaccine ng China.

Magugunitang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque kahapon, dalawang araw matapos ang Senate hearing, na maglalaro lamang ang halaga ng Sinovac vaccine sa P650.

Sa isang tweet binanggit naman ni Senador Panfilo Lacson na kung totoong ibinaba ang presyo ng Sinovac bakuna mula P1,847, marahil ay nagawa na ng Senado ang parte nitong maisalba ang bilyong-bilyong pisong pera ng taumbayan sa vaccination program.

Pero giit ni Galvez sa panayam sa ANC: “Masyado namang nang-aangkin ng accomplishment ‘yung ano. Hindi naman ganun. Kahit wala pa ‘yung Senate hearing, ang price ay ganun talaga. Sinabi nga namin kay Sec. Roque na hindi tataas ng P700.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?