9

Mar 1, 2021 @ 19:35
By

Galvez nakahinga nang maluwag sa pagdating ng Sinovac vaccine

Mistulang nabunutan ng tinik si vaccine czar Secretary Carlito Galvez matapos dumating sa bansa ang donasyong bakuna ng China.

Sinabi ni Galvez na hindi lang siya ang nakahinga nang maluwag kundi pati ang mga kasama sa gabinete na kumikilos para magkaroon ng COVID-19 vaccine ang bansa.

Naging emosyonal din aniya siya dahil ito ang kauna-unahang vaccine na dumating sa Pilipinas at talagang pressured sila ni Health Sec. Francisco Duque III.

“We all feel relieved. I became very emotional dahil alam natin na inip na inip na ang ating mga kababayan pati na ang mahal na Presidente,” ani Galvez.

Naalis aniya ang lahat ng bigat na nararamdaman sa dibdib pati na ang mga sakripisyo sa pagdating ng mga bakuna ng Sinovac.

“A lot of sacrifices na nakita na talagang tuwang-tuwa kami dahil kasi talagang at least mayroon nang vaccine para sa ating mga health worker, so iyon po ang naramdaman namin,” dagdag ni Galvez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?