22

Mar 4, 2021 @ 18:12
By

Galvez nagulat nang magpasaklolo St. Luke’s sa Sinovac vaccine

Inihayag ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na nagulat siya nang humingi ang St. Luke’s Medical Center ng Sinovac vaccine sa kanya.

“[S]ir, nabigla po kami, ang St. Luke’s humingi po ng 5,000 para sa 5,000 nilang tao, ng Sinovac,” ani Galvez kay Pangulong Rodrigo Duterte sa isang briefing.

Aniya, nag-text sa kaniya si Dr. Arturo De la Peña, presidente at CEO ng naturang ospital, upang makipag-ugnayan sa kanya.

“Nag-text po sa akin si Dr. [De la] Peña at magkakaroon kami ng mini-rollout sa dalawang St. Luke’s Medical Center, sa Global [City] at sa Quezon City, para magkaroon po ng mataas na uptake,” sambit niya.

Una nang sinabi na hindi inirerekondema ng pamahalaan ang pagturok ng bakuna kontra COVID-19 mula Sinovac dahil sa mababang efficay rate nito na 50.4%.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?