71

Jan 21, 2021 @ 14:49
By

Galvez kay Etta Rosales: Nakakasakit kayo ng damdamin!

Sinagot ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez si dating Akbayan Partylist representative Loretta Ann “Etta” Rosales na humihiling ng kanyang resignation dahil sa isyu ng COVID vaccine.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Galvez na iginagalang niya si Rosales subalit nakakasakit ito ng damdamin dahil hindi nito alam ang ginagawa ng gobyerno para makakuha ng suppy ng COVID vaccine.

Wala aniyang alam si Rosales sa hirap na pinagdadaanan nila sa pakikipagnegosasyon sa mga vaccine manufacturer kaya walang basehan ang paratang na “kickback” sa mga sangkot sa negosasyon.

“Iginagalang ko po yung opinyon ninyo pero minsan nakakasakit ng damdamin dahil hindi nyo po alam , wala po kayong alam sa negosasyon . Napakahirap po ng negosasyon na ginawa po namin. Ang ginagawa po namin binabagsak po namin ang presyo,” ani Galvez.

Hindi aniya dapat naghuhusga si Rosales dahil hindi nito alam ang mga ginagawa nila para mabili sa mas mababang presyo ang mga bakuna.

“Iginagalang ko po yung ani ni ma’am Etta Rosales magkakilala naman kami pero dapat hindi muna siya mag-judge kasi hindi niya alam na lahat ng vaccine na nabili natin ay talagang binigay at cost,” dagdag ni Galvez.

Para aniya sa kaalaman ni Rosales, mayroong guidance ng World Health Organjzation (WHO) sa mga manifacturer na walang commercialization, walang profit,at magkaroon ng pantay na access sa mga bakuna lalo na sa mga mahihirap na bansang gaya ng Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?