10

May 4, 2021 @ 17:18
By

Galvez: Herd immunity ng NCR target makamit sa Nobyembre

Inanunsyo ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. nitong Martes, Mayo 4, na target ng pamahalaan na magkaroon ng herd immunity ang buong Metro Manila at mga karatig na probinsya sa darating na Nobyembre.

Ayon kay Galvez, kinakailangan lamang mabakunahan ang halos 58.6 milyon, o 70% ng kabuuang populasyon ng Metro Manila at mga katabing probinsya nito upang maisakatuparan ang herd immunity sa nasabing buwan.

“If we can get 70% – that is, herd immunity — in those areas, the chances are big that our economy will recover and the chances are big that we will prevent a surge in those areas that are very vulnerable,” ani Galvez.

Anim na probinsya umano sa paligid ng NCR, mula sa CALABARZON at sa Central Luzon, ang parte ng strategic area na pakay ni Galvez na magkaroon ng herd immunity kontra COVID-19.

Dagdag pa niya, upang matapos ang naturang plano sa Nobyembre, kinakailangang 120,000 katao ang mabakunahan kada araw.

Sa ngayon ay nasa 1.6 milyong Pilipino pa lamang ang nababakunahan kontra COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?