40

Apr 6, 2018 @ 14:13
By

Galvez, ‘good choice’ sa AFP – Lorenzana

Tinanggap ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagkakapili kay Western Mindanao Command (Wesmincom) head Lieutenant General Carlito Galvez Jr., bilang bagong Armed Forces of the Philippines (AFP) chief-of-staff.

Papalitan ni Galvez si AFP Chief-of-Staff General Rey Leonardo Guerrero na magreretiro na sa Abril 24.

“I am happy for General Galvez. I know he will make a good CSAFP. I knew him since he was a lieutenant, (He is) very professional and competent,” aniya.

Malaking bentahe umano ni Galvez ang pagkakaroon ng karanasan sa Mindanao.

Si Galvez ay miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1985.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?