33

Feb 28, 2021 @ 11:00

‘Galvez, Duque tuturukan ng Sinovac bukas’

Sinovac COVID-19 vaccine ang umano’y ituturok kina vaccine czar Carlito Galvez Jr. at Health Secretary Francisco Duque III at sa iba pang mga kalihim ng Gabinete bukas.

Ayon ito kay Senador Bong Go, Peb. 28, sa ulat ng Inquirer.

Babakunahan si Duque sa Lung Center of the Philippines, habang tatanggap naman si Galvez ng bakuna sa Philippine General Hospital sa Marso 1 ng umaga.

Hindi naman tinukoy kung maging sina Go at Pangulong Rodrigo Duterte ay tuturukan ng Sinovac vaccine bukas.

Inaasahang darating sa ‘Pinas ngayong araw ang bakuna ng Sinovac, na susundan naman ng gawa ng AstraZeneca bukas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?