19

Jan 13, 2021 @ 18:08
By

Galvez ‘di magiging choosy sa COVID-19 vaccine

Walang pipiliing brand si vaccine czar Secretary Carlito Galvez sa kanyang pagpapabakuna kontra COVID-19.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Galvez na kung anong bakuna ang unang darating sa bansa ay ito ang kanyang gagamitin para magpabakuna.

Kung nahuli man aniya ang Pilipinas ng isang buwan kumpara sa ibang bansang nakapag-umpisa na ng vaccination program, bentahe pa rin ito dahil makakasigurong ligtas gamitin ang mga vaccine na ginagamit na ngayon ng milyon-milyong katao.

“Kahit na anong vaccine ang mauna, ako volunteer ako. Kahit na anong mauna, magpapabakuna ako,” ani Galvez.

Kahit napupulaan aniya sila ng nga kritiko sa ginagawang mahigpit na pagsala at pag-regulate sa mga papasok na COVID vaccine sa bansa, sinabi ni Galvez na mas mainam na ito kaysa matulad sa nangyari sa Dengvaxia controversy.

“Magiging confident po iyong ating mga kababayan dahil iyong stringent regulatory ay ginagawa po natin. Iyong panahon po ng Dengvaxia nakita natin na nagkaroon ng pagkukulang sa information drive,” dagdag ni Galvez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?