5

Jul 30, 2020 @ 13:33
By

Galvez aminadong `di handa PH sa pandemya

Inamin ni National Task Force on COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na hindi handa ang mga health facility ng bansa sa COVID-19 pandemic.

Sinabi pa ni Galvez na may mga malalaking pangyayari pa na pumasok sa situwasyon kaya hindi maikukumpara ang pagtugon ng Pilipinas bansa sa pandemya sa ibang bansa.

“Nakita rin natin na as a nation, we were unable to prepare `yong mga health facilities. Kung makikita natin karamihan sa mga health ano natin, we were not able to invest as a nation sa health facilities natin,” ayon kay Galvez.

“Kung makikita natin, lalo na sa mga ibang nasa regional areas, tingnan natin sa Region 4-A, nakita natin walang halos level 3 na hospital doon.

Kaya makikita natin na mao-overwhelmed yong ating sistema dahil yong preparation time natin for building up our capacity supposed to be dapat three to four administration pa,” dagdag pa ni Galvez.

Una nang nagbabala ang Department of Health (DOH) na nagsisimula nang kulangin ang mga bed capacity ng mga hospital dahil sa pagtaas ng bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.

Sinabi ni Galvez na problema sa bansa ang behavioral culture ng mga tao na maraming paglabag na ginagawa. Nayanig din aniya ang ekonomiya ng buong mundo dahil sa pandemya at marami sa mga overseas Filipino worker (OFW) ang nag-uwian.

“So instead na ma-test natin yong ating mga LGU [local government unit], more than 6,000 a day dito sa NCR [National Capital Region], nabubuhos natin sa OFW. At the same time, during the lockdown, naging collateral din yong ating economy,” ayon pa kay Galvez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?