209

Aug 23, 2018 @ 15:45
By

Galunggong na may formalin, hindi makakapasok sa PH – Palasyo

Tiniyak ng Malacañang na hindi makakalusot sa bansa ang mga imported na galunggong na sinasabing mayroong formalin.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na lahat ng mga pagkaing pumapasok sa bansa ay dumadaan sa masusing pagsusuri ng mga ahensiya ng pamahalaan.

Mayroon aniyang phytosanitary measures na ipinatutupad ang gobyerno para matiyak na ligtas ang mga pumapasok na produkto at pagkain sa bansa.

Bukod dito, sinabi ni Roque na tiyak na nakarating na sa Department of Agriculture (DA) at Department of Health (DOH) ang isyu at hindi papayagan ng mga ito na makapasok ang kontaminadong mga isda.

“I think the DA and the DOH have heard this allegations and I dont think that the government will allow the entry of these tainted fish products,” ani Roque.

Ang mga imported na galunggong ay sinasabing galing umano sa China at para mapanatili ang pagiging sariwa ay nilalagyan umano ng formalin at saka ibinebenta sa mga pamilihan. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?