145

Dec 9, 2019 @ 18:44
By

Galunggong importation pigilin! DA sinugod ng mga mangingisda

Sumugod ang mga mangingisda sa Department of Agriculture (DA) nitong Lunes para bawiin nito ang pag-apruba sa pag-angkat ng 45,000 na toneladang galunggong.

Sabi ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas, para na rin sa kapakanan ng mga mangingisda at mamimili, dapat kanselahin ang utos ni Secretary William Dar.

Dagdag pa niya, walang natutunan ang DA sa nangyari noong nakaraang taon kung kailan pumayag itong mag-angkat ng 17,000 na toneladang galunggong na siya namang ikinabagsak na presyo nito sa farm gate sa P60 kada kilo samantalang nanatili sa P150 hanggang P170 ang kilo nito sa retail.

Sa presyong P300 hanggang P350 kada kilo, nangangamoy profiteering na dahil nasa P100 to P120 per kilo lamang sa farm gate ngayon.

Dahil sa kautusang mag-angkat, maaaring muling bumulusok ang presyo ng galunggong sa mas mababa sa P100 per kilo sa farm gate.

Sabi ni Hicap, hindi pinababa ng importation ang presyo ng galunggong noong nakaraang taon dahil halatado na kontrolado ng mga trader ang merkado.

“Lalong mawawalan ng halaga ang huli ng mga mangingisda sa pagpasok ng panibagong mga imported,” giit ni Hicap.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?