106

Mar 19, 2020 @ 15:18
By

Galunggong galing Palawan, ikinatuwa ni Robin

Ikinatuwa ni Robin Padilla ang pinadalang galunggong sa kanya mula pa sa Palawan nitong Marso 18.

Ang mga galunggong ay nanggaling kay Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) General Manager na si Atty. Glen Pangapalan.

“In the name of God ako’y buong puso na nagpapasalamat sa general manager ng PFDA atty glen pangapalan sa kanyang ipinadala na palawan galunggong,” ani Robin sa kanyang Instagram post.

Pinasalamatan ni Robin ang alkalde dahil perfect timing daw umano ang paghatid ng galunggong sa kanya.

Tinag pa nito si Senator Bong Go sa kanyang post bilang pasasalamat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?