133

Oct 31, 2019 @ 15:11
By

Galunggong ban simula na sa Undas

Simula sa Nobyembre 1 ay mahigpit na ipagbabawal ang panghuhuli ng mga isdang galunggong na magtatagal ng tatlong buwan na fishing ban.

Ito ang inanunsyo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Palawan na mahigpit nang ipagbabawal ang panghuhuli ng mga isdang galunggong simula ngayong araw hanggang Enero 31.

Layunin nito na maprotektahan ang galunggong species at maparami ang binhi nito hanggang lumaki at maaari nang mahuli sa pagsapit na ikatlong buwan.

Ayon kay Myrna B. Candelario, acting center chief ng BFAR Inland Sea Ranching Station, naging epektibo ang kanilang paraan na una nang sinimulan noong 2016 sa iang bayan sa Palawan.

“From 2016 to 2019, we have been receiving a positive trend, which indicates that the program is effective. That’s why we continue with the annual implementation in the towns of Cuyo, Roxas, Araceli, at Dumaran,” ayon pa dito.

Sa kabila ng pagba-ban ng mga galunggong, mabibigyan ng P15,000 financial assistance ang may 1,302 mangingisda na maaapektuhan nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?