289

Feb 6, 2020 @ 11:03
By

Gallinari isusunod! Heat pinitas si Iguodala

Gumana na naman ang mahika ni Miami Heat President Pat Riley.

Huwebes ng umaga sa ‘Pinas ay nanggulat ang Miami Heat nang biglang ianunsyo ni ESPN insider Adrian Wojnarowski na sa kanila maglalaro ang three-time NBA champion na si Andre Iguodala.

Inaasahan na pipirma ng two-year, $30-million contract si Iggy para sa Heat, may team option sa 2021-22 season.

Hindi pa batid kung sino-sino ang mate-trade para kay Iguodala, ngunit may mga report na posibleng kasama si Justise Winslow sa trade package.

Matatandaan na ngayong season ay hindi pa naglalaro ang 2015 NBA Finals MVP dahil tahasang hinayag nito na ayaw sumalang para sa nasabing franchise.

Ngunit hindi pa diyan natatapos ang player movement ng Heat, isa pang forward ang nais sungkitin mula naman sa Oklahoma City Thunder.

Saad sa tweet ni Wojnarowski, posibleng malipay din si Danilo Gallinari sa Heat, ang sinisipat na kapalit ay si James Johnson.

The Heat might not be done making moves.

Kung matuloy ang balak ng Heat, mas titibay ang kanilang pag-asa sa championship na ngayo’y second seed sa Eastern Conference sa kartadang 34-15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?