16

Sep 1, 2020 @ 22:13

Gallego, Asuncion tumawid sa NCAA

Isang dating bulldog ang magiging leon, habang may isa pang tigre ang nakatakdang magiging cardinal.

Nagmistulang mga tipaklong ang mga batang basketbolista ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) nang hindi magpahuli sa pagtalon nitong Martes sa National Colleagite Athletic Association (NCAA).

Sila ay sina National University Bulldog starter JV Gallego na pumasok na sa San Beda University Red Lions at University of Santo Tomas Growling Tiger Jun Asuncion na magma-Mapua University Cardinals na.

Nagpaalam na nitong linggo ang 5-foot-10 guard sa Bulldogs paalis ng Bustillos para pumuntang Mendiola, samantalang buhat sa España sa Muralla na ang tuloy ng 21-year-old, 6-2 gunner at incoming sophomore na si Asuncion.

Siya na rin ang panlimang player ni Tigers coach Aldin Ayo na lumisan sa patuloy na pagkawat-watak ng team tapos ng Sorsogon bubble. Nasa University of the Philippines Fighting M na si Crispin John ‘CJ’ Cansino. Out na rin sina Rhenz Abando, Ira Batallet at Brent Paraiso. (Aivan Denzel Episcope)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?