135

Apr 26, 2020 @ 15:03
By

Galit sa ‘Iisang Dagat’ higit 100,000 na

Tinambakan ng “thumbs down” ang COVID-19 tribute ng China na pinamagatang “Iisang Dagat” at kinanta ni Camarines Sur Vice Governor Imelda Papin.

Ngayong 2:15 ng Linggo, dalawang araw lang matapos unang ilabas ang music video ng kanta, umani na ito ng 111,000 dislikes.

Samantala, nabigyan ito ng 1,300 likes.

Depensa ni Papin, hindi dapat lagyan ng kulay ang music video dahil tungkol aniya ito sa pagmamahal at pagkakaisa sa pagitan ng Pilipinas at China ngayong may coronavirus pandemic.

Pero pinapaboykot naman ito ng galit na madla dahil propaganda anila ito ng China sa inaangkin nilang West Philippine Sea.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?