105

Apr 16, 2021 @ 16:19
By

Galing ng ivermectin vs COVID pinagmalaki ng doktor ni Gary V

Nagsama-sama sa isang webinar ang mga tagapagtaguyod sa paggamit ng ivermectin upang gamutin at maiwasan ang COVID-19.

Hinost ang webinar ng Concerned Doctors and Citizens of the Philippines noong April 14 na dinaluhan din ng ilang mambabatas na sumusuporta sa ivermectin maging ng singer na si Gary Valenciano, na kamakailan ay nagpositibo ang misis na si Angeli Pangilinan sa COVID-19.

Sa panayam sa kanyang doktor na si pulmonologist Dr. Joseph Varon, ipinaliwanag nito ang pagiging epektibo ng ivermectin sa paggamot ng mga COVID-19 patient, batay aniya sa mga clinical experience niya.

“But not just on treatment, also on the prevention, on the prophylaxis,” aniya nang tanungin ni AnaKalusugan party-list Rep. Mike Defensor kung susi ba ang naturang gamot para labanan ang COVID-19.

“Yes, it’s for parasites, initially, but we have come to understand that ivermectin has amazing anti-viral and anti-inflammatory properties. Not even that, we have been using that for patients that have post-COVID syndrome… and it works,” pahayag pa niya.

Dahil dito, hinimok niya ang gobyerno ng Pilipinas na mamigay ng libreng ivermectin para sa pag-iwas sa COVID-19.

“Give it in large quantities to everybody… That will decrease the cost of health care,” wika niya.

Sa kabila nito, binigyang-diin ng Texas-based doctor na ang bakuna pa rin at hindi ivermectin ang solusyon sa COVID-19 pandemic.

“I’m not saying that ivermectin is the treatment, but ivermectin buys you time while the rest of the population gets vaccinated. Ivermectin is not the answer. The answer is to get the vaccine,” aniya.

Si Dr. Varon ay isa sa mga lider ng Frontline COVID-19 Critical Care Alliance, isang grupo ng mga doktor na nag-aaral ng potensyal na gamot para sa coronavirus infection.

Ani Varon, itinutulak ng grupo ang paggamit ng ivermectin sa Amerika sa kabila ng pagtutol ng US Food and Drug Administration, Center for Disease Control at World Health Organization.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?