29

By

Galaw ni Ancajas, ‘check’ na ni Sultan

Sharing is caring!

Napag-aralan na ng kampo ni Sultan ang mga galaw ni IBF 115-pound titlist Jerwin Ancajas.

Kumbaga sa larong chess, check na nila ang mga galaw ng kampeon.

“Magaling si Jerwin, pero, hindi siya pressure fighter, yung suntok niya isa, dalawa, isa,” ayon sa trainer ng 26-taong gulang na si Sultan na si Edito Villamor.

Itataya ni Ancajas, 26-anyos din, sa ikalimang pagkakataon ang kanyang IBF flyweight diadem ngayong Mayo 26 (Linggo ng umaga sa Pilipinas) sa Save Mart Center sa Fresno, California sa unang all-Pinoy title showdown sa nakalipas na 93 taon.

Ayaw namang patulan ni Joven Jimenez ang deklarasyon ng kampo ni Sultan at sinabing handa na sila sa laban at bahala na ang Diyos. “No comment po. Alam na po ni Jerwin kung ano gagawin sa laban at bahala na po ang Diyos sa amin,” anito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?