118

Oct 23, 2019 @ 21:01
By

Galanza, Creamline sweep ang 16-game elims

Humambalos ng game-high 23 points si Jessica Margarett Galanza sa pagtakip sa pagkawala nina Alyssa Valdez at Jia Morado upang muling diskargahin ng defending champion Creamline ang Motolite, 25-19, 25-22, 24-26, 25-16, sa 3rd PVL Open Conference 2019 2nd round elims Miyerkoles ng gabi sa FilOil Flying V Centre.

Wala sa Cool Smashers sina Valdez at Morado umalis nitong Sabado kasama ang national indoor volleyball training pool para sa 12-day Japan training camp. Pero di sagwil para mawalis ang Power Builders at ang 16-game elims.

“Siyempre happy and medyo nakulangan lang ngayong game kasi maraming errors,” pahayag ni former Adamson starGalanza ukol sa 32 team errors sa laro. “Pero okay naman din kasi ‘di naman nagbago yung confident namin. Yung happiness naman namin sa court nagtuloy-tuloy naman.”

Wala namang nagawa ang 14 points ni Myla Pablo sa pagsalampak ng baterya ng sasakyan sa 10-6, pinaakbay sa kanila sa tersera ang BanKo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?