31

By

Galanza, Creamline liyamado sa Motolite

Pokus si Jessica Margarett ‘Jema’ Galanza para manalanta sa Creamline at pataubin ang Motolite sa ikatlong sunod na pagkakataon sa siklab ng 3rd PVL Open Conference best-of-three semis alas-2 ng hapon sa Sabado sa FilOil Flying V Centre.

Unang na-straight set win ng defending champion Cool Smashers ang Power Builders nitong Agosto 14 bago sa nagdaang Sabado sa four sets Malamang kung saan humambalos si dating Adamson star Galanza ng 23 points sa likod ng 20 spikes at 3 service aces para kunin sa 16-0 elimination sweep.

“Siyempre yun ano na—mas buo na kami,” pahayag ni Jema sa pagbalik ni Alyssa para sa Final 4 ng midseason women’s indoor volleyfest. “Well ‘di naman nawala e kasi lagi rin naman silang nasa training [Creamline] bago sila umalis.”

Salpukan din ang PetroGazz at BanKo sa parehas na seryeng race-to-2 win sa alas-4 ng hapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?