90

Oct 6, 2017 @ 11:24

Galante! Abuloy na P3K ni Bistek, itinaas sa P10K

Kung dati ay P3,000 lamang, itinaas na sa P10,000 ang halagang ipagkakaloob na ‘burial assistance’ ng lokal na pamahalaan ng Quezon City, sa mga mahihirap na pamilyang mamamatayan ng kanilang mga mahal sa buhay na residente ng lungsod.

Ito ay makaraang lagdaan ni Mayor Herbert Bautista, ang ordinansa para taasan ang ‘burial assistance’  mula sa P3, 000 ay gagawin nang P10,000 ang matatanggap ng mga ‘indigent residents’ sa  kanyang nasasakupan.

Nakasaad sa City Ordinance 2610-2017, na iniakda nina Councilors Allan Butch Francisco, Marra Suntay, Victor Ferrer, Jr., Diorella Maria Sotto, Ivy Xenia Lagman, Gian Sotto, at Estrella C. Valmocina, dinagdagan nila ang ‘burial assistance’ sa mga mamamatayan na mahihirap na pamilya ng lungsod,  upang mabigyan ng disenteng burol at libing ang kanilang mga mahal sa buhay na namayapa.

Sa halagang P10,000 ay kabilang ang simpleng puting kabaong, paghahatid sa huling hantungan ng namayapa, embalsamo, at ang pitong araw na burol.

Para matanggap ang P10,000 ‘burial assistance, kailangan lamang na magsumite ng ‘certified  true copy’ ang pamilya nang namatayan ng  Death Certificate, funeral services contract,  at  certificate of indigency mula sa kanilang barangay

Maaari ring iprisinta ng ‘indigent family’ ang sertipikasyon galing sa Quezon City Social Services Development Department. Ang nasabing sertipikasyon ay ibibigay din sa mga akreditong  funeral parlors upang makakuha ng diskwento.

“There is a need to update the said ordinance by way of prescribing decent funeral services as the standard funeral package and burial assistance for Quezon City indigent residents to make it more responsive to the needs of our constituents,” nakasaad sa ordinansa.  (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?