38

Jul 12, 2021 @ 19:53
By

Gaite: Pagpabor ni Duterte sa China luminaw sa isiniwalat ni Del Rosario

Naging malinaw umano ang dahilan kung bakit pinapaboran ni Pangulong Rodrigo Duterte ang China sa isiniwalat ni dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite kaya pala malaki ang utang ng loob ni Duterte sa China ay dahil ito ang tumulong sa kanya na manalo noong 2016 elections.

“Kaya naman pala all-out si Pangulong Duterte sa pagsasabi na may utang na loob siya sa Tsina, dahil mukhang malaki talaga ang papel ng Tsina sa kanyang pagkakaluklok. Ang problema dinamay pa niya tayong lahat sa utang na loob niya, dinamay pa niya ang teritoryo at soberanya ng ating bansa,” sabi ni Gaite.

Sinabi ni del Rosario na may mga matataas na opisyal ng China na ipinagyayabang na nagawa nilang impluwensyahan ang resulta ng eleksyon noong 2016 kung kailan nanalo si Duterte.

“Obvious naman sa sambayanang Pilipino na matindi ang loyalty ni Duterte sa Beijing, kaya hindi kaduda-duda itong mga isinawalat ni Sec. Del Rosario,” dagdag pa ni Gaite.

Hanggang ngayon umano ay nakiki-alam pa rin ang China sa bansa at patunay nito ang mga trolls na ginagamit upang suportahan ang mga polisiya ng Duterte government.

Naniniwala rin si Gaite na muling tutulong ang China para manalo si Duterte at kanyang mga kaalyado sa 2022 elections.

“If they have done it in 2016, then they could easily do it again. Kailangan bantayan at pigilan ito ng sambayanan. China will help Duterte and his pack in clinching victory in the 2022 elections, the Filipino people must not allow them to succeed,” dagdag pa ng solon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?