14

Jul 15, 2020 @ 14:19
By

Gaite: Alok ng DOLE insulto sa mga ABS-CBN worker

Tinawag ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite na `consuelo de bobo’ at pang-iinsulto lamang sa libong manggagawa ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho ang alok na tulong pinansiyal ng Department of Labor and Employment (DOLE).

“The Department of Labor and Employment’s recent announcement to aid displaced ABS-CBN employees is a mockery to 11,000 workers who just lost their livelihood in the middle of a pandemic,” ayon pa kay Gaite.

Hindi umano kailangan ng mga manggagawa ang pakonsuwelo ng DOLE sa panahong ito ng pandemya at malawak na kagutuman. Ang kailangan aniya ng mga manggagawa ay ibalik ang kanilang trabaho gayundin ang ABS-CBN.

Ayon sa kongresista, alam naman ng gobyerno na ang pagpapasara sa network ay magreresulta sa pagkakatanggal sa trabaho ng mga manggagawa ngunit ginawa pa rin ito kahit wala naman napatunayang pagkakasala ang network.

Hindi rin naman aniya maitago na ang Pangulo mismo ang may kagustuhan na isara ang ABS-CBN at sinunod lamang ito ng Kongreso
Dahil dito, malinaw aniya na pampalubag lamang ng loob sa mga empleyado ng ABS-CBN ang alok na tulong na DOLE.

“They are trying to appease the 11,000 workers whom they robbed of jobs, and the viewing public who are dismayed and angered by what happened,” ayon pa kay Gaite.

Subalit hindi aniya maloloko ang publiko.

“We know that Duterte is behind the network’s closure. Duterte and his allies ignored the 11,000 workers’ pleas for their jobs. They did not care for these workers then, they cannot feign compassion now and make us believe that they suddenly care for the welfare of ABS-CBN workers,” ayon pa sa mambabatas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?