191

Oct 17, 2019 @ 23:19
By

Gaisano Mall muling nasunog

Muling nilamon ng apoy ang Gaisano Mall sa General Santos City nitong Huwebes ng gabi.

Ayon sa 24 Oras report, inaalam pa ang sanhi ng naturang sunog na nagsimula bago mag-alas siyete ng gabi nitong Huwebes.

Unang nasunog ang naturang mall noong Miyerkoles ng gabi matapos yumanig ang magnitude 6.3 na lindol sa Mindanao.

Maaaring ang naiwan umanong stove burner ng isang cook ang pinagmulan ng sunog matapos magtakbuhan palabas ng mall dahil sa lindol.

Makalipas ang 16-oras, idineklara itong fire out ala-una ng hapon nitong Oktubre 17.

Samantala, isang K-pop fan ang nanawagan ng dasal para sa hometown niyang GenSan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?