32

Apr 16, 2020 @ 20:18
By

Gagawin ko ang lahat! — Duque

Titiyakin ngayon ni Department of Health Sec. Francisco Duque III na ‘di niya sisirain ang pagtitiwala sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos na ring dedmahin ng Pangulo ang hirit ng mga senador na patalsikin sa kanyang posisyon si Duque.

“I serve at the pleasure of the President, kung ang Pangulo ay patuloy ang tiwala at naniniwala sa aking kakayahan ay gagawin ko ang lahat para matugunan ng maayos at maging matagumpay ang laban sa COVID-19,” pahayag ni DOH Sec. Duque sa panayam ng DZBB.

Katwiran pa ng Health secretary ay ginagawa niya ang lahat ng paraan at kanyang makakaya upang mapabuti ang kalagayan at kaligtasan ng publiko lalo na sa dinaranas ngayon COVID-19 crisis.

“Ginagawa ko ang lahat ng magagawa para makatugon sa problema sa COVID-19,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?