45

Sep 14, 2021 @ 17:22
By

‘Gag order’ ni Duterte kinondena ng Makabayan

Kinondena ng Makabayan ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbawalan ang mga opisyal ng Executive department an dumalo sa pagdinig ng Senado.

Ayon kay Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas, malinaw na minamaliit ng utos ni Duterte ang kapangyarihan ng lehislatura na mag-imbestiga.

“Spoken like a true dictator. President Duterte once again has used his position to undermine the powers of the legislative branch in order to escape accountability over mass corruption in his government,” sabi ni Brosas.

Naniniwala rin si Briones na “unconstitutional” at “an outright abuse of presidential powers” ang utos ni Duterte at hindi umano dapat yumuko dito ang Senado.

“Halatang halata na may pinoprotektahang malaking negosyo ang pangulo,” dagdag pa ng lady solon.

Ginawa ni Duterte ang utos sa gitna ng imbestigasyong isinasagawa ng Senado kaugnay ng umano’y overpriced na pagbili ng medical supplies ng gobyerno sa kompanya na iniuugnay sa kanyang kaibigan at adviser na si Michael Yang.

Sinabi naman ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite na ginagaya ni Duterte ang ginawa ni dating Pangulong Gloria Arroyo para maitago ang mga katiwalian ng kanyang gobyerno.

“Talagang trying hard copycat dictator itong si Duterte. Gaya-gaya kay Marcos, gaya-gaya kay Arroyo. Sa kagagaya niya, ay ‘di malayong magaya rin siya sa kinahinatnan ng dalawa, at iyon ay pagpapanagot sa kanilang mga ginawang krimen,” sabi ni Gaite.

Iginiit naman ni Gaite na hindi mapapahinto ng anumang gag order ang paglabas ng katotohanan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?