206
views
gadon
By

Gadon, walang paki na ma-disbar ng IBP

Sharing is caring!

Walang pakialam si lawyer Lorenzo ‘Larry’ Gadon kung matanggalan man siya ng lisensiya sa pagiging abogado.

Kaugnay ito ng babala ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ng disbarment kay Gadon dahil sa inasal nito sa harapan ng mga tagasuporta ng Punong Mahistrado.

Si Gadon ang pangunahing nag-aakusa kay Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno ng katiwalian.

“I don’t care if I am disbarred. I will still eat delicious food and live comfortably. I don’t depend on income from lawyering alone unlike some IBP officials,” sabi ni Gadon.

Noong nakaraang linggo, napanood sa telebisyon kung paano dinakdakan, minura at tinawag na bobo ni Gadon ang mga nagpoprotestang Sereno supporters sa labas ng Korte Suprema sa Baguio City.

Umani rin ng pambabatikos si Gadon sa social media kung saan ang ilang puna ay mula sa mga kapwa niya abogado, law students.

Ipinaalala sa kanya ang Code of Professional Ethics para sa mga abogado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?