181

Nov 29, 2017 @ 20:13
By

Gadon: Tapos na ang boksing, Sereno mai-impeach

Kumpiyansa si Atty. Larry Gadon na mai-impeached si Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Para kay Gadon, tapos na ang boksing sa pagharap ni Associate Justice Teresita de Castro sa impeachment hearing dahil pinatunayan nito ang mga alegasyon sa complaint laban kay Sereno.

Ayon sa complainant, masaya siya at “vindicated” sa testimonya ni De Castro.

“What Justice de Castro has said in her testimony confirmed everything that I have stated in my complaint,” sabi ni Gadon.

“And not only that, she even clarified deeper into the incidents involving the creation of the RCAO (Regional Court Administration Office) and the JDO (Judiciary Decentralized Office),” dagdag ng abogado.

Malinaw aniya sa testimonya ng Associate Justice na merong mga insidente kung saan nilabag ni Sereno ang Konstitusyon kaya tiyak na ang impeachment ng punong mahistrado.

“In fact, sinasabi ko nga tapos na yung boxing e. Tinatamad na nga ko e gusto ko na umuwi dahil I’ve already proven my point, with just one ground. This ground which was attested by Justice De Castro, I’m sure impeached na siya (Sereno) dito,” ayon kay Gadon.

Kasunod nitoý inulit ni Gadon ang panawagan na magbitiw na ang Chief Justice dahil lalo lamang itong madidiin sa mga susunod na pagdinig kapag tinalakay na ang isyu tungkol sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN). (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?