384

By

Gadon napurnada ang COC filing, maling form ang ginamit

Sharing is caring!

Kailangan muling maghain ng certificate of candidacy ang nag-viral na abogadong si Larry Gadon, na sikat sa social media dahil sa kanyang ‘bobo’ na tagline.

Ayon sa Commission on Election (Comelec), maling form umano ang nagamit ni Gadon, na kulang ng isang item na bagong dagdag sa mga form.

Ang tanong na kinulang ay tungkol sa kung nagkaroon na ba ang kandidato ng kaso na maaaring makapagpa-disqualify rito sa posisyon sa gobyerno.

Kahit na naunsiyami ang kanyang paghahain ng COC, kumpiyansa si Gadon na iboboto siya ng mga Filipino at makakakuha ng puwesto sa Senado.

“Ang sambayanang Filipino ay iboboto ako dahil hindi ako bobo at iboboto nila ako dahil hindi sila bobo,” pakli niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?