23

By

Gadon nagkusang suspendihin ang sarili

Naghain ng voluntary service of suspension si Atty. Larry Gadon sa Korte Suprema.

Ito’y matapos ipag-utos ng korte na masuspinde sa tungkulin bilang abogado si Gadon.

Nilalaman ng kanyang voluntary service of suspension ay ang paliwanag na hindi siya nakatanggap ng kopya ng kautusan at nalaman niya lamang ang suspensyon sa pamamagitan ng media.

Gayunman, nanindigan si Gadon na siya ay tatalima sa utos ng SC at iyon ay kanyang sisimulan na ngayong araw hanggang sa Hunyo 26, 2020, alinsunod na rin sa isinasaad ng Administrative Case No. 11810.

Sa kanya namang hiwalay na pahayag, sinabi ni Gadon na sasamantalahin niya ang panahon ng kanyang suspensyon para sa nalalapit na holdiday season.

Sinuspinde ng SC si Gadon dahil sa paglabag umano nito sa Canon 8 ng Code of Professional Responsibility na nagbabawal sa mga abogadong gumamit ng abusive o offensive na pananalita sa kanilang pagganap sa tungkulin.

Nag-ugat ang desisyon ng kataas-taasang hukuman mula ang disbarment case ng isang dermatologist na si Helen Joselina Mendoza noong 2009.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?