832
Gadon dumaing na nadaya sa eleksyon
May 14, 2019 @ 19:18
By

Gadon dumaing na nadaya sa eleksyon

Naniniwala si Atty. Larry Gadon na nabiktima siya ng dagdag-bawas sa katatapos na halalan noong Mayo 13.

Sa kaniyang Facebook video post, sinabi nitong “napakarumi at madaya” ang nangyaring eleksyon.

“Naniniwala ako na nabiktima ako ng dagdag-bawas. Na-shave ang aking mga boto upang idagdag sa mga admin candidates,” aniya.

“Ako ay nadaya. Ang boto ko ay nadagdag sa mga admin na mahina,” dagdag pa niya.

Tinawag pa nitong “Smartmagic” ang Smartmatic habang “Komolek” ang Comelec.

Batay sa election returns mula sa 95.17 percent ng clustered precincts nationwide

as of 5:53PM, pumang-28 si Gadon sa senatorial race sa botong 3,337,896.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?