gadgets

Gadgets para sa mga alagang hayop, tampok sa show

Sharing is caring!

Sa patuloy na pag-usad ng teknolohiya, ang mga alagang hayop naman ngayon ang magiging high tech. Tampok ang high-end gadgets sa 2018 Consumer Electronics Show, katulad ng ino-offer na emotional at activity tracker para sa mga aso ng Jagger & Lewis, sa ulat ng AFP.

Hatid naman ng kompaniyang Petrics ang unang smart bed, kung saan nababantayan nito ang timbang ng mga alaga at ang haba ng itinulog nito.

Nakatakda rin silang maglabas ng bed cools o warms para mabigyan ng maginhawang pagtulog ang mga alagang aso.

Mayroon namang wearable devices na magmomonitor sa galaw ng mga alagang hayop na, hindi na kailangan pang magdikit ng mga posters sakaling mawala ito.

Kabilang din dito ang Whistle, isang device na may GPS at mobile network.

Maaari kang gumawa ng “safe zones” sa loob ng bahay at sakaling lumagpas dito ang alaga mo ay magpapadala ng mensahe sa smartphone mo.

Mata-track din dito kung nasaan ang alaga kahit pa mawala ito ng ilang oras o araw.

Samantala, isang automated boxes naman ang ibinebenta na nagde-detect sa mga alagang pusa kung saan nagpupo, tatabunan ito at ilalagay sa isang carbon-filtered drawer.

“Everything in our lives is smart,” ani Wajer ng kompaniyang Whistle.

“If technology can help make our pets lives better, then that is fantastic.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?