10

Jul 19, 2021 @ 19:23

Gaco, Espinas lumabas angas

NAGING sandalan ng JPS Zamboanga City ang ex-pro na sina Jerwin Gaco at Gabby Espinas nang pabagsakin nila ang MisOr, 85-75, kahapon sa 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Mindanao leg a Pagadian City.

Lumista ng game-high 24 points si Gaco mula sa pinukol na 11-of-16 shooting kasama pa ang 12 rebounds para ibalik sa Zamboanga sa panalo.

Double-double rin ang ipinamalas ni Espinas nang mag-ambag ito ng 14 markers at 11 boards kasahog ang 4 assists at 1 block para mapaganda ang kartada nila sa 3-2.

Sinubukan pang idikit ng MisOr ang bakbakan sa huling yugto ng laro matapos ang magandang performance ni Reil Cervantes ngunit naharang ito ng bagsik ng dalawang dating PBA player, nabitin din ang 16 points ni Joseph Sedurifa kaya nananatiling 2-2 ang kanilang win-loss card. (Aivan Episcope)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?