69

Aug 6, 2022 @ 8:31
By

Gabundok na basura bumulaga sa sapa ng Mandaue

Bumulaga ang gabundok na mga basura sa sapa ng Mandaue, Cebu nitong Biyernes matapos ng pagbaha dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Ibinahagi ng kapitan ng Brgy. Subangdaku ang mga larawan na puro basura ang Mahiga Creek.

Ani Brgy. Chairman Ernie Manatid, hindi na masyadong makagalaw ang tubig dahil nakabara na ang mga basura.

Dahil dito, magsasagawa ngayong Sabado ng clean-up drive ang kanilang barangay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?