35

By

Gabuco, Villegas nang-umbag agad

Nagmarka agad ang kamao ng mga boksingerang Pinay nang mapatumba ng mga ito ang kanilang kalaban sa ginaganap ngayong 2019 Southeast Asian Games.

Buwena manong naungusan via split decision ng Pinay boxer na si Josie Gabuco ang katunggaling boksingera ng Thailand na si Raksat Chuthailandmat dahil sa unang round pa lamang ng laban ay nagtuloy-tuloy ang kanyang tikas hanggang sa 3rd round.

Dahil sa pinamalas na lakas, wagi agad sa preliminary round ang ‘Pinas.

Hindi rin nagpadaig ang Pinay boxer na si Aira Villegas nang masungkit nito ang panalo via unanimous decision sa women’s bantamweight division.

Panis si Vilaypone Vongphachan ng Laos dahil sa pagpapakitang-gilas ng Pinay sa boxing ring.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?