3
views

By

Gabuco, Petecio, Macado nagpatikim sa 2018 Asiad

Sharing is caring!

Inuwi ng Pilipinas ang overall crown sa International Boxing Championship Cup 2018 na isinagawa simula Hulyo 3 sa Sario Square, Manado City sa Indonesia.

Nasuntok ng Pilipinas ang pinakamaraming medalya matapos ang huling resulta kung saan nagwagi sa delegasyon sa pagsungkit ng gold medal sina Josie Gabuco sa women’s class 45-48kg at Nesty Petecio sa 57kg habang sa kalalakihan si Ramel Macado sa 52kg. dvision.

Ang Rio Olympian na si Rogen Ladon ay nagkasya lamang sa silver sa men’s 52kg category habang sina Ronald Chaves sa men’s 64 kg at Irish Magno sa women’s 51kg class ay nag-ambag ng 2 bronze.

Tinalo ni Gabuco sa kampeoanto ng women’s 45-48 Kg class si Endang mula sa Indonesia Army habang dinomina ni Petecio ang 57-kg sa pagbigo kay Vuong Thi Vy ng Vietnam. Binigo naman ni Macado si Corneles Kawangu mula sa Bali, Indonesia.

Nabigo naman si Ladon kay Ryusei Baba ng Japan para magkasya sa silver.
Tinanghal na best women’s boxer ang Vietnamese boxer na si Nguyen Thi Tam habang best boxer ang North Sulawesi na si Orlando Limahelu.

Ang torneo na sinalihan ng 228 boxers mula sa 10 bansa ay parte sa selebrasyon ng 72nd Bhayangkara Day and 395th Anniversary ng Manado City at ang International Boxing Championship of Kapolri Cup II 2018 ay pang-unang event sa Manado Fiesta 2018 na gaganapin simula Agosto 31-Setyembre 9. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?