42

Mar 29, 2021 @ 19:18
By

Gabriela sa mistulang panghihipo ni Duterte: Kahit ano gawin sa kababaihan, lusot pa rin

Kinondena ng Gabriela Women’s party ang pagtatangka umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na hipuan ang kanyang katulong na mayroong hawak na cake sa kanyang pagdiriwang ng ika-76 kaarawan sa Davao City.

“The act carries with it a very troubling message to the public: that the President can do anything with women and easily get away with it,” saad ng Gabriela sa isang statement.

Nakuhanan ng video ang pangyayari at makikita ang pag-iwas ng babae sa kamay ni Duterte.

“This also speaks volumes of how Duterte, Harry Roque, and the rest of his minions have been actively normalizing the view that marginalized women should be submissive towards men, especially those in power, to make unwanted sexual advances against women look like a spectacle,” saad pa ng grupo.

Ipinagtanggol naman ni Palace spokesman Harry Roque ang Pangulo at sinabi na nagbibiro lamang ito at walang malisya ang kanyang ginawa.

Ipinunto naman ng Gabriela na hindi ito ang unang pagkakataon na hindi itrinato ng tama ni Duterte ang mga babae.

“Sa ginagawang lantarang pambabastos ni Duterte sa kababaihan, lalo lamang niyang pinapatunayan na isa siyang lason sa kulturang Pilipino. Misogynistic men like him are a threat to our society and should not be allowed near women and children,” dagdag pa ng Gabriela. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?