19,791
Gabriela: Pagpatay sa Grade 9 student, ginagamit para sa Martial Law
By

Gabriela: Pagpatay sa Grade 9 student, ginagamit para sa death penalty

Nababahala ang Gabriela Women’s Party na baka ginagamit lang ang brutal na pagpatay sa Grade 9 student mula sa Lapu-Lapu City, Cebu para itulak ang pagpapatupad ng death penalty sa bansa.

“We strongly condemn this monstrous act as we join calls for a thorough investigation so that justice may be attained. We are however wary that this death is now being used to push for the reimposition of the death penalty,” saad ng grupo.

Bunga nito’y itutuloy umano ng Gabriela ang #LabananAngAbuso campaign nila sa mga susunod na araw at hinikayat ang mga kababaihan na magparehistro para labanan ang tumataas na kaso ng seksuwal na pang-aabuso at pambabastos sa mga babae.

Matatandaang dahil sa barbarikong pagpatay kay Christine Silawan ay umugong ang mga panawagan ng mga netizen na ibalik ang parusang kamatayan sa bansa.

Si Silawan ay natagpuang walang buhay, walang saplot pang-ibaba at binalatan ang mukha noong Lunes ng umaga sa Barangay Bangkal, Lapu-Lapu City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?