51

Nov 19, 2021 @ 13:39
By

Gabriela nalugod sa pagsasampa ng kaso vs Quiboloy

Ikinalugod ng Gabriela party-list ang paghahain ng kasong may kaugnayan sa sex trafficking laban kay Pastor Apollo Quiboloy, ang founder ng Kingdom of Jesus Christ, the Name Above Every Name, at kilalang suporter ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“We must hold powerful individuals accountable to abuse of authority and sexual violence against women and children,” sabi ng Gabriela sa isang pahayag.

Nanagawan din ang Gabriela sa Department of Justice (DOJ) na maglabas ng hold departure order laban kay Quiboloy at iba pang opisyal ng simbahan nito na may kaugnayan sa kaso.

“We urge the Philippine government to cooperate impartially with US authorities on this case, even as Quiboloy has exhibited massive loyalty for the number one macho-fascist President Duterte,” sabi pa sa pahayag.

Nanawagan din ang women’s group na magtatag ng special protection mechanism para sa iba pang biktima na nais na lumabas at tumestigo kaugnay ng mga ginagawa sa kanila.

Inanunsyo ng US prosecutor ng pagsasampa ng kaso kay Quiboloy at iba pang opisyal ng simbahan nito na nagsasabwatan sa pagpilit sa mga batang babae, ang pinakabata ay 12-anyos, na makipagtalik at tinatakot ng “eternal damnation” at pananakit.

Sinabi rin ng US prosecutor na ginagamit ang donasyon sa simbahan para pondohan ang marangyang pamumuhay ng mga lider ng simbahan. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?