82

By

Gabriela nagpasalamat sa mga sumuporta: Tuloy ang laban para sa mga babae, bata at sa bayan

Lubos ang pasasalamat ng Gabriela Women’s Partylist sa lahat ng sumuporta sa kanilang kampanya.

Anila, bigo umano ang rehimeng Duterte na talunin ang natatanging partylist na nagsusulong ng karapatan ng mga kababaihan at mga bata sa Kongreso.

“Bigo ang rehimeng Duterte na talunin ang natatanging partylist ng kababaihan sa Kongreso gamit ang buong makinarya ng estado. Hindi tayo natinag sa pakete ng atake mula sa lantarang pananakot at pandarahas hanggang sa pagpapakalat ng fake news at paninira sa ating pinakamamahal na partylist. Nagtagumpay tayo na tiyakin ang pagkapanalo ng isang nominado ng Gabriela sa kabila ng pinakamaruruming iskema ng kaaway at multi-milyong pondo ng ibang partylist. Hindi tayo nagapi. Hinding hindi tayo magagapi,” saad ng Gabriela sa kanilang Facebook post.

Magpapatuloy umano ang pagsisilbi ng naturang grupo para sa mga babae, bata at lalung-lalo na para sa bayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?