18

Oct 4, 2021 @ 16:11
By

Gabriela muling sasabak sa halalan

Naghain ang Gabriela Women’s Party ng nomination and acceptance sa tanggapan ng Commission on Elections sa Harbor Garden Tent ng Sofitel Philippine Plaza Manila nitong Lunes.

Kinatawan ang Gabriela ni incumbent Representative Arlene Brosas.

Ayon kay Brosas, muling lalahok sa halalan ang Gabriela para matiyak ang patuloy na pagsulong sa mga batas na mag-aangat ng kalagayan ng kababaihan sa iba’t ibang antas.

“Walang dahilan na manahimik ang mga kababaihan,” ani Brosas. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?