61

Oct 12, 2021 @ 18:19
By

Gabriela kinondena paggahasa ng parak sa rider

Kinondena ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang napaulat na panggagahasa umano ng isang pulis sa babaeng rider na walang dalang lisensya sa Pampanga noong Biyernes.

“This incident only adds up to the numerous cases of sexual violence perpetrated by men in uniform,” sabi ni Brosas.

Ayon sa mga ulat, nagbabantay umano sa checkpoint sa Mabalacat si Police Staff Sgt. Robin Manganga nang dumaan ang biktima na nagmamaneho ng motorsiklo. Hindi umano nadala ng biktima ang kanyang lisensya.

Ginamit umano ni Manganga ang pagkakataon upang gahasain ang biktima.

Ipinag-utos na ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon at pagbibigay ng proteksyon sa biktima.

“While the investigation is a welcome development, we call on the Philippine National Police to exercise transparency in investigating cases of sexual violence among their ranks. Hindi pwedeng pag pumutok lang ang isyu sa publiko, tsaka lang gagawa ng aksyon,” dagdag pa ni Brosas.

Nanawagan din ang lady solon ng agarang pagpasa ng panukala na mag-aamyenda sa 23-anyos na Anti-Rape law. Ang panukala ay nakabinbin sa Bicameral Conference Committee.

“The alarming surge of police-perpetrated cases of rape and sexual violence is precisely why one of the proposed amendments of Gabriela Women’s Party is imposing stiffer penalties for persons of authority, including policemen,” wika pa ni Brosas.

Nais ng Gabriela na maisama sa pag-amyenda sa batas ang probisyon para hindi magbenepisyo sa Good Conduct and Time Allowance (GCTA) ang mga taong may katungkulan na nahatulan sa panggagahasa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?