20
gab-bi
By

Gabriela, kinondena ang pagpigil ng BI sa Australian missionary

Sharing is caring!

Tinuligsa ng grupong Gabriela ang umano’y ilegal na pag-aresto at pagkulong sa 71-anyos na Australian missionary na si Sister Patricia Fox at tinawag ang insidente na dangerous precedent.

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) ang pag-aresto kay Fox sa utos ni Commissioner Jaime Morente.

Iginiit nina Gabriela Partylist Reps. Emmi de Jesus at Arlene Brosas na palayain na si Fox nang walang anumang kondisyon dahil napakababaw ng dahilan sa pag-aresto sa madre.

“Sister Patricia was arrested and detained for merely participating in a recent international fact-finding and solidarity mission on the rights abuses in Mindanao,” sabi ni De Jesus.

“This can be a very loose pretext by the Duterte regime for nabbing anyone who stands up for human rights and against the attacks on civil liberties,” dagdag ng kongresista.

Para naman kay Brosas, ipinapakita lamang aniya nito kung gaano kadesperado ang administrasyong Duterte na tugisin ang mga kritikal sa gobyerno.

“This shows how desperate the Duterte regime is in harassing activists and criminalizing dissent. But by choosing to nab Sister Pat from her home based on flimsy grounds, this regime is only strengthening the growing opposition to Duterte’s iron-fisted and tyrannical rule,” ayon kay Brosas.

Hindi rin aniya tama na agad inilista sa deportation list si Sister Patricia lalo’t inamin ng BI na nagkamali sila dahil Patricia Cox at hindi Patricia Fox ang kanilang dapat na huhulihin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?