68

May 4, 2021 @ 22:02
By

Gabriela hinamon si Duterte sa P10K ayuda

Hinamon ni Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas si Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahan at ipag-utos sa Kongreso na agad ipasa ang panukalang P10,000 ayuda sa bawat pamilya.

Ito ang sinabi ni Brosas matapos sabihin ni Duterte sa publiko na hintayin na lamang ang ayuda na ibibigay ng gobyerno sa halip na dumugin ang mga community pantry na maaaring maging sanhi ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.

“The COVID-19 pandemic is hitting the poor the hardest and exposing the gaping inequities in access to food and health care. So if President Duterte is really concerned about the well-being of the masses, then he should support the people’s call to fast-track the approval of our P10,000 ‘Ayuda Bill’ for poor and low-income families instead of making things worse for our country,” sabi ni Brosas.

Ayon kay Brosas, dinudumog ang mga community pantry dahil hindi natutugunan ng gobyerno ang kagutuman na nararanasan ng marami.

“The government must face the fact that the poor are more afraid of hunger than getting infected by COVID-19. Kaya imbis na sisihin pa ang mga community pantry organizers, dapat magbigay ng sapat na ayuda ang gobyerno,” dagdag pa ng lady solon.

Hanggang ngayon ay hindi pa tapos ang mga lokal na pamahalaan sa pamimigay ng ayuda sa National Capital Region (NCR) plus matapos ang muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) noong nakaraang buwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?