48

Gabriela: Bakit ba takot si Duterte sa mga kababaihan?

Sharing is caring!

Binakbakan ng grupong Gabriela si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng pahayag nitong dapat ang susunod na Chief Justice ay hindi babae.

Sa isang statement, kinuwestiyon nina Reps. Emmi de Jesus at Arlne Brosas ang tila pagkaduwag diumano ni Duterte sa mga kababaihan batay sa mga pahayag nito laban sa kanila.

“What does President Duterte fear of women? Why is he so threatened by women?” sabi ng Gabriela solons.

“He pushed the ouster of a female chief justice, ordered troops to shoot female rebels in the vagina, tells soldiers to rape women in Marawi, and even allowed the removal of a comfort woman statue from public’s sight,” dagdag pa nila.

Ilan aniya sa mga kababaihang pinatutsadahan ni Duterte ay ang pinatalsik na sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, detained Senator Leila De Lima, Vice President Leni Robredo, Ombudsman Conchita Carpio-Morales, UN Special Rapporteur Agnes Callamard, at International Criminal Court Prosecutor Fatou Bensouda.

Noong Miyerkoles, sinabi ni Duterte na hindi dapat babae ang susunod na Chief Justice.

“Gusto ko ‘yung bilib ang tao sa integrity niya. Of course it could not be a politician, lalo na hindi babae,” pahayag ni Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?