152

Dec 19, 2017 @ 17:14

Gabi ni Kobe, binasag ni Durant

Agad na pinalamig ni Kevin Durant ang mainit na selebrasyon ng legacy ni Kobe Bryant bilang basketbolista matapos magpakawala ng 22-foot jumper sa nalalabing pitong segundo ng overtime at ibagsak ang 116-114 panalo kontra Los Angeles.

Binigyan ng pagkilala ng Lakers sa halftime si Kobe at niretiro ang jersey numbers nitong 8 at 24 ngunit binasag ng Curry-less Warriors ang dobleng selebrasyon sana ng Los Angeles fans.

Lumagare ulit ng 36 points si Durant habang may 17 si Klay Thompson.

Napahaba pa ng Warriors ang kanilang panalo sa siyam kahit wala pa si Stephen Curry para sa Golden State.

Nagdeliber naman ng 25 points si Kyle Kuzma para sa Lakers, na may tatlong sunod nang talo.

Umiskor ng 19 si Brandon Ingram habang may 16 si Lonzo Ball.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?